top of page
Search

ABOT KAYA


Abot o reach sa salitang ingles na ibig sabihi'y an act of reaching out.

Kaya o able, tumutukoy sa ating mga sariling kasanayan at kakayahan o minsan ay ang ating mga limitasyon. Ang dalawang salita na ito kapag pinagsama ay maaring narinig na natin sa pamilihang bayan, sa mga tindahan o maging sa ating sariling tahanan.


Ang salitang abot-kaya na tumutukoy sa presyo ng bilihin, ibig sabihin ay lapat sa kakayahan at pangangailangan ng mga tao. Abot sa kakayahan o akma at husto ayon sa pangangilangan. Ngunit sa malalim na pamamaraan minsan ang salitang ito ay may hugot at maaring kahulugan ng ating mga hinahangad o sa mga nais nating gawin.


Abot kaya?

Sa pagbabahagi, palagi ko itong tinatanong sa sarili ko. Sa paanong paraan? Kadalasan noong mga unang taon ko sa kolehiyo ang aking baong pera o pocket money sa aking pang araw-araw na pangangailangan ay hinuhugot ko mula sa aking sweldo sa trabaho. At kung minsan ito ay husto at sakto ngunit malimit ito ay kulang at hindi sapat. Kung kaya't sa tuwing sasakay ako ng jeep patungo sa paaralan automatic na nagkukwenta na ang utak ko sa mga gastusin ko maghapon. Oo, minsan tinatanong ko ang sarili kung abot kaya? at minsan nama'y napapasabi na, bahala na, kaya naman yan. Ito ay isa sa mga halimbawa ng mga "abot kaya?" kong mga tanong sa aking sarili. Ikaw, gaano ba kadalas mo itong nagiging batayan ng iyong mga kakayahan? Tingnan natin kung bakit.


Ang salitang abot kaya, ay tumutukoy sa limitasyon?


Oo, ito ang mga hangganan ng iyong kapabilidad at maaring itong salitang ito ang magpaunawa sayo ng mga kaya mong gawin. Ang pagtatanong sa sarili na abot at kaya mo ba ang mga hamon sa iyong araw araw ay maaring pasok sa sinasabi nating playing safe. Bakit naman po? Gusto kasi natin na sigurado tayo sa lahat ng bagay, sino ba naman ang hindi, at maari na sa pag-iisip natin kung abot at kaya ba, ay humantong sa overthinking o pag-iisip at magdulot ng pagkapagod at pagkatakot sa mga kakaharaping kung kaya't ang malimit na pagtatanong sa sarili ng abot at kaya ko ba ay maaring maging mitsa sa pagtukoy natin sa ating limitasyon.


Ngunit minsan ito naman ang nagiging batayan sa pagiging handa. Ang "abot at kaya ko kaya?" ay isang salitang kahandaan. Tinatanong ang sarili upang maging handa sa papasukin na gawain kung kaya't natutukoy agad ang mga posibilidad na hamon. At hindi masama ang paghahanda. Mayroon akong nabasa noon na libro, at nakasaad dito na, "it is better to prepare than to repair." Dalawang salita, prepare at repair. Ang repair ay ang pag-aayos sa mga nasira nating kahapon at kasabay nito ang pag gampan sa ating mga gawain ngayon. Mas wais kasi na sa pag-aayos ng ating kahapon ay hindi rin natin kinakalimutan kung ano ang mayroon tayo ngayon upang yung mga ngayon nating gawain ay hindi magdulot na naman ng ating mga aayusin sa kinabukasan. At ang prepare, na pinaka mainam na gawin. Ang paghahanda ay pumapaloob sa mas maganda at maraming plano. Sapagkat mapag-iisipan na natin at mapapaghandaan ang sariling damdamin, kaisipan, pisikal na katawan at kalooban.


Alam ko naman na abot at kaya mo ang lahat ng bagay, lahat ng hamon at surilanin. Mayroong taong nagsabi sa akin noon na, "A man is a center of a circle without a circumference except that he makes for himself". Kaya huwag mong lalagyan ng kaisipan ng limitasyon ang iyong mga kakayahan. Kung mapagod, magpahinga, kung maraming dalahin, unti unting bitawan at palayain ang sarili sa mga bagahe at panghuli Huwag kalimutang magpasalamat at magdasal sa Diyos. Abot at kaya mo yan, mangarap at gawing buhay ang mga pangarap.

 
 
 

Recent Posts

See All
Kapag Umibig

Magandang araw at magandang buhay! kamusta na? sa lahat ng nagbabasa, sana palagi kang nasa mabuti. Heto na naman muli ako para maglabas...

 
 
 
Malayo pa, pero Malayo na

Magandang gabi at magandang buhay. Kamusta na ang buhay? May buhay pa ba ang buhay o yung buhay na mayroon ay buhay nga lang at wala ng...

 
 
 

Comments


Post: Blog2_Post

Subscribe Form

Thanks for submitting!

©2021 by musikanirey. Proudly created with Wix.com

bottom of page