top of page
Search

Utay-Utay


Magandang araw at magandang buhay sa lahat ng nagbabasa at magbabasa nito. Mabuti ang umaga ngayong araw.


Matagal tagal na rin mula noong hindi ako nakapag sulat ng blog. At marami na akong naipon na mga salita kung kaya't mainam lamang na ito ay aking padaluyin sa lathalang ito.


Bakit ba Utay-Utay ang pamagat?


Ayon sa aking pagkakaunawa ang utay-utay sa wikang ingles kalimitan ay step by step. At ang buhay ko ngayon ay nasa pagpili ng mga maliliit na hakbang na ayon sa mga pagbabago.


Totoong ang buhay ay kalakip na ang pagbabago, at katulad ng mga nabanggit ko sa mga nauna ko ng nailathala na mahirap harapin ang mga nagbago na, at kung minsan ay mahirap tanggapin ang katotohanan na hindi lahat ay permanente. Kahit saang aspeto ito ay pinapatotohanan, pagdating man sa relasyon, panahon, sitwasyon, pangyayari at maging ang disposisyon natin sa ating sariling buhay. Totoo, nakakatakot patuluyin ang katotohanan ng pagbabago. Ako sa sarili ko ay hirap ako sa mga pangyayari na tanggapin ito lalo na kung ito ay masakit, pagkatalo at lungkot.


Ngunit..


Sa bawat pagkakataon sa aking buhay, nandyan palagi ang Diyos sa akin. Hindi Niya ako pinabayaan. Palaging sapat ang biyaya, yung buhay, yung karanasan at pagkatuto na aking natatagpuan. At sobra akong nagpapasalamat duon.


Kung kaya't...


Marapat lamang na maging bukas ako sa pagbabago. Bakit? Kasi hindi ako nag-iisa. Nakakatakot namang tanggapin na natalo ka kasi alam mong wala namang nandyan para sayo. Nakakatakot namang tanggapin na nasasaktan kasi kasi wala namang handang kumausap at kumalinga sayo. At kung minsan malimit na nagkukunwari. Kung kaya't marapat lamang na maging bukas ako sa pagbabago. Mahirap man o maluwag itong tanggapin e kasama ko naman palagi ang Diyos.



Utay-Utay man ang mga hakbang na ituturing ee naniniwala akong ikaw at ako ako sa paroroonan ay makakarating. Magtiwala kang kaya mo din.


Pagpapala.

 
 
 

Recent Posts

See All
Kapag Umibig

Magandang araw at magandang buhay! kamusta na? sa lahat ng nagbabasa, sana palagi kang nasa mabuti. Heto na naman muli ako para maglabas...

 
 
 
Malayo pa, pero Malayo na

Magandang gabi at magandang buhay. Kamusta na ang buhay? May buhay pa ba ang buhay o yung buhay na mayroon ay buhay nga lang at wala ng...

 
 
 

Comments


Post: Blog2_Post

Subscribe Form

Thanks for submitting!

©2021 by musikanirey. Proudly created with Wix.com

bottom of page