top of page
Search

Kapag Umibig

Magandang araw at magandang buhay! kamusta na? sa lahat ng nagbabasa, sana palagi kang nasa mabuti. Heto na naman muli ako para maglabas ng damdamin sa pamamagitan ng pagsusulat. Nasa tamang blog ka kung nais mo maki tsismis. Char. Simulan na natin. Papaano ka ba umibig? Maaring may kanya kanya tayong paraan kung papaano tayo umibig. Iba ibang mga senyales na pinapakita, mga da moves ika nga, o kaya naman ay pagpapayahag ng nasa damdamin (na kung minsan handang ibigay lahat ).

Maari bang sapat na ang umibig lang?


Madaming gustong magmahal, pero responsable na ba tayo para panghawakan at panindigan yung pag-ibig na mayroon tayo. Medyo mabigat ba? pero totoo, marami sa atin ang nagtataglay ng totoong damdamin para masabing nagmamahal pero sapat ba ang nararamdaman mong mahal mo? E katulad ng mga nakaraang panglipunang isyu, katulad ng mga ibang bagay na mayroon tayo sa buhay, maaring mahirapan tayo kung papasukin natin ang pag-ibig ng hindi handa. Oo medyo madaling maramdaman ang pag-ibig kaysa panindigan ito. Mahirap mang tanggapin pero totoo. Masakit man pero totoong hindi natin mapapanindigan ang mga bagay na gusto nating manatili kung wala tayong kayayahan na panatilihin at mapalago ito. Dahil hindi naman namumunga ang isang halaman sa pagtatanim lang, lumalaki at lumalago ito sa tamang alaga, tamang sikat ng araw, tamang dilig ng tubig, tamang abono, pagtatanggal ng mga damo sa paligid at pag-aalis ng mga sanga na bulok na hindi kailangan. At mahirap panindigan na kaya nating ibigay ang mga bagay na kailangan ng pag-ibig para ito'y manatili at yumabong kung wala tayong kayang ibigay.


Sinulat ko ito upang ipaalala sa sarili ko na minsan sa buhay ko, kahit gustong gusto ko ay hindi ko magawan ng paraan na manatili at mapayabong yung pagmamahal na mayroon ako dahil sa aking kakapusan at hindi kahandaan. Hindi sapat ang kaya kong ibigay ayon sa sitwasyon ko. Kaya sa kapwa ko lalaki dyan, piliin natin palaging maging da best para sa mga tao o mga bagay na mahal natin, sa pamamagitan nun mas madali nating padaluyin ang pagmamahal na mayroon tayo sa iba bukod sa ating sarili. Pagsumikapan natin palagi.

Disclaimer: di ko sinasabing wag kang magmahal at hintayin mo yung perpektong pagkakataon. may mga bagay na perpekto ngunit makikita natin sa ibang angulo ng hindi natin inaasahan o naiisip. Para sa akin mas mahalaga ang umibig ng responsable. Magandang araw muli.

 
 
 

Recent Posts

See All
Malayo pa, pero Malayo na

Magandang gabi at magandang buhay. Kamusta na ang buhay? May buhay pa ba ang buhay o yung buhay na mayroon ay buhay nga lang at wala ng...

 
 
 

Comments


Post: Blog2_Post

Subscribe Form

Thanks for submitting!

©2021 by musikanirey. Proudly created with Wix.com

bottom of page