BAGONG ARAW
- Rey Jr. F. Rustia
- Sep 2, 2021
- 1 min read

Ang bawat umaga ay simula. At sa lengguwahe ng tao ang simula ay nakapaloob sa iba-ibang mga hugot sa buhay. At maaring ang bawat umaga ay simula ng pagbabago o simula ng bagong plano at maging ang bagong umaga ay pwedeng simula muli upang magpatuloy.
Nakakatuwang isipin na sa ating araw-araw binibiyayaan tayo ng pagkakataon upang mag reset o ang umaga ng bagong simula. Katulad ng pagdating ng hapon na pagod at pagal sa trabaho o ang pagresulba ng mga suliranin sa buhay o maging ang simpleng pang araw-araw na gawain. At sa bawat hapon ay mayroong gabi upang mamahinga. Nagkakaloob ito upang mawaglit ang ulirat sa mga isipin, problema at pagkapagod ng katawan. Kung kaya't katulad ng bawat gabi ay may biyaya ng panibagong araw ng bagong simula.
Batid natin na maaring hindi lahat ay mayroong bagong simula, mayroong hirap magpatuloy, puno ng pagsubok at maging ang bagong araw ay isang tipikal na araw-araw na lang satin. Ngunit sana, dumating yung bagong umaga na may panibagong pag-asa. Nasa sa atin ang sariling kwento ng ating buhay. Maging ang bawat umaga sana ay patuloy na magkaloob ng bagong simula upang magpatuloy.
Magandang Umaga.
Comments