top of page
Search

BUKAS

Takeaways from Homily of Rev. Fr. Renz Hernandez (Sept. 4, 2021)

Magandang Gabi! Minsan ko lang ito gawin ang isulat ang nakuhang reflection mula sa isang homiliya. Halika at sama sama natin itong pagnilayan.


Matingkad na usapin at nakakapukaw atensyon ang mga iba-ibang adbokasiya lalo na ng mga kabataan mula sa iba-t iba ring organisasyon. May tumutukoy sa pang kalikasan, ang pagiging kaisa ng mga kabataan sa mga programang pang pamayanan, may tungkol sa mga karapatan, kalayaan at kung minsan ay politikal. At maganda rin na makita ang biyaya ng pagiging bukas upang mas makapaglingkod ayon sa ating sariling pang-unawa at paniniwala.


Bukas ka ba? o Open-minded ka ba?

Siguro kalimitan nating nakikita sa Facebook ang mga post, reaksyon, meme at comments patungkol sa mga halimbawa sa itaas na partisipasyon ng mga kabataan sa kumunindad. At malamang malaking impluwesya ng mga ito sa nabubuo mong kaisipan upang gumawa ng mga hakbang o ang maki-isa sa mga nakaka inganyang partisipasyong ito. Ngunit hayaan mong tingnan muna natin ang biyaya ng pagiging bukas upang mas mapalalim ang ating dedikasyon at paggawa sa ating mga hangarin.


At katulad ng "Ephphatha" o be opened. At tayo bilang tipikal na tao, ay inaanyayahan na maging bukas. Maging bukas ang Mata, Tenga at Bibig sa mga sitwasyon at totoong nangyayari sa lipunan, na hindi lamang sa isang anggulo nakatitig kundi tititingnan at binubusisi lahat. Hindi lang isang bagay ang pinapakinggan kundi inuunawa lahat. At ganun din ang bibig sa paggiging bukas at pagsasabi ng totoo. Sa huli ay hinihiling sa atin na maging bukas ang puso at ang palad para sa lahat. Mas mainam at maraming nagagawa ang bukas na palad kaysa sa palad na nakaikom.


Nawa'y maging biyaya tayo sa isa't isa at maging bukas at handang tumulong para sa iba at nangangailangan.

 
 
 

Recent Posts

See All
Kapag Umibig

Magandang araw at magandang buhay! kamusta na? sa lahat ng nagbabasa, sana palagi kang nasa mabuti. Heto na naman muli ako para maglabas...

 
 
 
Malayo pa, pero Malayo na

Magandang gabi at magandang buhay. Kamusta na ang buhay? May buhay pa ba ang buhay o yung buhay na mayroon ay buhay nga lang at wala ng...

 
 
 

댓글


Post: Blog2_Post

Subscribe Form

Thanks for submitting!

©2021 by musikanirey. Proudly created with Wix.com

bottom of page