D A A N
- Rey Jr. F. Rustia
- Sep 5, 2021
- 1 min read

Biyaya ang isang paglalakbay. Isang magandang karanasan na ipinagdiriwang na pang habang buhay. Kay sarap namnamin ng katas at produktong taglay. Ang mga pagsisikap ay kahanga-hangang tunay.
Sulitin natin at maging buhay na patotoo ng isang masayang pagtahak sa daan ng mga pangarap. Sabi nga noon sa kwento, ang totoong istorya ng tagumpay ay yung daan habang tinatahak ito. Oo, maraming pasakit, oo, maraming pagkadapa, ngunit yun ang hiwaga ng daan ng paglalakbay. Palagi tayong may baon na matutunan, lamunin man tayo ng ating mga kahinaan ngunit ang dedikasyon ay Diyos ang sandigan.
Muling pinapaalala na mag-isa man tayo sa ating daan palagi mong matutunan ang isang karananasan na iyong ipagpapasalamat at kalulugdan. Wag kang matakot maglakad nakasalalay sayo ang kwento mo at hindi ang guhit sa iyong palad.
Magandang Umaga. <3
Comments