top of page
Search

D A P I T H A P O N

Anong ginawa mo tuwing dapit hapon?

Magandang araw po sa lahat ng nagbabasa nito. Kamusta na po kayo? Sana'y nasa mabuti kayong kalagayan. Welcome po muli sa isa kong blog. Tara simulan natin. Mahiwaga ang dala ng maghapon. Mula umaga hanggang sa paglubog ng araw ay pinupuno tayo ng mga karanasan. Ito ay palaging totoo sa buhay ng tao. Kung minsan ang mga karanasan natin sa buong araw ay puno ng saya, kung minsan nama'y may halong kalungkutan. Ang bawat araw ay isang biyaya ng buhay at pag-asa ganoon din sa biyaya ng mga bagong simula. Ngunit? sa tuwing dapithapon ano ba ang ginagawa mo? Bilang pagbabahagi. Ako po, sa tuwing dapit hapon ay nagpapatunog ako ng rosaryo. Isang paraan ko na rin para gawing payapa ang aking kaisipan, damdamin at sariling katawan sa iba't ibang mga karanasang matingkad na nagdaan sa maghapon. At sa pamamagitan nito may tatlong magandang nangyayari sa aking kalooban. Una, nakikita ko at nalalaman ang aking palagay ay mga maling desisyon at kung saan ako nagkamali. Pangalawa ay napapanatag ko ang aking kaisipan mula sa pagkapagod na dulot ng maghapon na pagbabata. Panghuli ay nahahayaan ko ang aking sarili na matuto at yumabong sa magaganda at hindi kagandahan na pangyayaring naganap sa aking maghapon. Ngayon, medyo iba yung dapit hapon kumpara sa mga naunang mga hapon na aking naranasan. Bagamat ganoon ay sinubukan natin na sumulat ng kanta ayon sa aking damdamin. Paraan ko na rin ito para makapag labas ng lungkot ay sakit. Ngayon sanang dapit hapon ay magdulot sayo ng kapayaan. Kapayapaan ng Kalooban, kaisipan, at kayawan sa mga pagkapagod na naranasan mo ngayong araw. Maraming Salamat. God Bless! ito nga pala yung Lyrics ng kanta.

DAPIT HAPON


Buong araw ang lumipas kakahintay

Heto't nakaupo parin

Pagkat wala namang pupuntahan

Iihip pa ang hangin ay...

Lungkot at luha ko'y

Babagsak na.


Teka lang, Pigilan na muna...


Ang ating oras ay lilipas na

Ang dating mga ngiti'y maglalaho ba?

Ang dami pang tanong sa isip Sana'y panaginip na lang.....


Palubog na ang araw

Mawawala na ang liwanag

Heto't sumapit na

Dapit Hapon na tinatawag.


 
 
 

Recent Posts

See All
Kapag Umibig

Magandang araw at magandang buhay! kamusta na? sa lahat ng nagbabasa, sana palagi kang nasa mabuti. Heto na naman muli ako para maglabas...

 
 
 
Malayo pa, pero Malayo na

Magandang gabi at magandang buhay. Kamusta na ang buhay? May buhay pa ba ang buhay o yung buhay na mayroon ay buhay nga lang at wala ng...

 
 
 

Comments


Post: Blog2_Post

Subscribe Form

Thanks for submitting!

©2021 by musikanirey. Proudly created with Wix.com

bottom of page