top of page
Search

HINGA KA MUNA


Magandaw araw para sa lahat ng mga nagbabasa. Wut Wut Wut... kung ano man ang pinagka-abalahan mo ngayong araw o pinagkaka -abalahan ay binabati kita na napaka astig mo. Kinakaya mo ang lahat. Magsabay sabay man ang mga gawain sa bahay; labahin, luto ng pagkain, maging ang mga tambak na trabaho, gawain sa school at ang napaka raming stress na dulot ng ating mundo, binabati kita sa kagalakan sapagkat Yakang Yaka mo ang lahat ng ito. Ngunit teka lang kaibigan, bago ka lubusang ngumiti hayaan mong mas paunlarin natin ang araw mo.

Narinig mo na ba o nasambit ang salitang, Hinga ka muna? Hindi po ito pahinga ka muna. Iba po ang pahinga. Ang pahinga marahil ay ginagamitan ng mga oras ng pagtulog, upang mapanumbalik muli ang lakas at ang pahinga ay isa sa mga needs at siguro isama mo na pati ang kagustuhan ng ating katawan. Ito ay parang Lugaw, essential po ang pagpapahinga.


Ngunit iba ang hinga ka muna. Sa sariling karanasan, ako ay batang laki sa bundok. Ang aking Lola ay mayroong tindahan roon kung kaya't nasanay at sanay na akong maglakad sa mga matatarik at madudulas na daan. At hanggang ngayon sa tuwing ako'y ma-ahon sa bundok o sa amin, madalas ko paring naririnig at sinasabi ang salitang hinga ka muna. Ano nga ba ang ibig sabihin ng hinga ka muna.


Bilang pagbabahagi po, ang hinga ka muna ay ang mga salitang nagsasambit ng to pause for a moment, o kaya ay to rest a bit but not longer enough at ang to look for a new perspective.


Sa pag-akyat kasi sa bundok maaring, manigas at mapagod ang mga binti mo, ganun din ang balikat sa sobrang bigat ng iyong mga dalahin. At ang hinga ka muna ay para bang sinasabing tumigil muna panandali at literal na huminga muna. At sa sandaling pagtigil na yun, doon mo makikita ang lahat. Mararamdaman mo na maginhawa na ang katawan dahil malaya na sa pananakit at pagka ngimay ng binti at balikat, although naroon parin yung pagod pero hindi na gaanong dama. At sa sandaling pagtigil na yun, maari ring makita mo ang lahat ng iyong pinagdaanan at ganun din ang bagong kaisipan upang magpatuloy. Dito pumapasok yung ekspresyon na, Ay! ang layo ko na pala. at ang Wow! ang ganda ganda naman dito. Bagong pananaw upang magsimula muli sa paghakbang.


At ganun din sa ating pang araw-araw na mga gawain. Sa aking mga kapwa kabataan at kamag-aral. Maari bang wag mong kalimutan ang hinga ka muna. Huminga muna sa pagod, sa tambak na gawain, sa chismis sa social media. Huminga muna sa mga pasakit at bigat na dinadala. Tumigil panandalian at tingnan ang sarili, tingnan ang kalooban. Hinga ka muna. Saan ka ba dinadala ng iyong mga ginagawa, masaya ka pa ba sa ganito? o kailangan mong gumawa ng panibago at epektibong hakbang upang magpatuloy ka. At katulad sa pag-akyat ng bundok sana matuto ka rin na e'appriciate ang lahat ng steps o hakbang na nagawa mo na. Oo, mahirap ngunit may progreso. Oo, nakakapagod ngunit sulit na pagkapagod. At sana sa ating kaunting paghinto, sa ating pagtahimik at tayo manalangin. Kanina, may tinanong akong Ale, sabi ko. Tita, papaano kung magising ka isang umaga at ramdam mo parin yung pagod na dala ng mga ginawa mo kahapon. Papaano ka bumabangon at pinagpapatuloy ang panibagong araw? At tugon niya ay, Malaking tulong ang pagdarasal, nabibigyan ako ng panibagong lakas upang bumangon at magpasalamat sa lahat ng meron ako ngayon.


At yun, maraming salamat sa pagbabasa. Sana ay napangiti ka ngayong araw. Hinga ka muna.

 
 
 

Recent Posts

See All
Kapag Umibig

Magandang araw at magandang buhay! kamusta na? sa lahat ng nagbabasa, sana palagi kang nasa mabuti. Heto na naman muli ako para maglabas...

 
 
 
Malayo pa, pero Malayo na

Magandang gabi at magandang buhay. Kamusta na ang buhay? May buhay pa ba ang buhay o yung buhay na mayroon ay buhay nga lang at wala ng...

 
 
 

Commenti


Post: Blog2_Post

Subscribe Form

Thanks for submitting!

©2021 by musikanirey. Proudly created with Wix.com

bottom of page