top of page
Search

I M P

(isang mahiwagang paraan)




Pagbati ng Magandang Araw para sa lahat ng nagbabasa. Ang blog na ito ay tungkol sa isang kantang kakagawa ko lang na pinamagatang IMP o Isang Mahiwagang Paraan. Nitong mga nakaraang lingo ay punong puno ng pasakit at pagluha. Ilang mga araw na rin sa aking isip na may gumuguhit na mga letra, siguro paraan narin ng katawan ko para mailabas ang aking damdamin. At ito narin ang dahilan kung bakit nagsulat ako ng isang post sa FB nitong nakaraang araw lang. Bakit IMP? Sabi ko sa sarili ko, gusto kong gumawa ng kanta. At sa tulong ng inspirasyon ay nakapagsulat at nalagyan ng tuno. Wag po kayong maga expect hindi po kagandahan ang kantang ito, kaya po inuunahan ko na kayo. Ginagawa ko po ito upang magbahagi lamang. Kanina habang nag'scroll ako sa FB. Nakita ko ang isang post ni Coach Mimo na "Hindi Kalaban ang Pagluluksa" at dahil ang aking damdamin ay kahalintulad ng post niya, binasa ko ito at naging inspirasyon para gawing letra yung aking damdamin. Sa mga salita nya rin ko nakuha yung Mahiwagang Paraan. At umaayon ako sa kahiwagaan ng buhay at kahiwagaan ng pagkamatay.


Ito yung lyrics ng kanta. IMP Mag-isa, wala ng katabi

Sa isang gilid luha'y di maikubli

Tanging oras na lang bumabati

Umuusad ba? o diwa'y di mapakali...


Kaya iluha mo lang

Puso'y hayaang masaktan

Tunay kang nagmahal

Sakit ay wag takasan

Manilawa sa isang

Mahiwagang Paraan.


Tadhana ay buhay

Pahina ng iba't ibang kulay

Pusong sugatan

May paghilom na nakalaan Kaya iluha mo lang

Puso'y hayaang masaktan

Tunay kang nagmahal

Sakit ay wag takasan

Manilawa sa isang

Mahiwagang Paraan.


Marami pong salamat sa pagbabasa. Hanggang sa muli po. ang Video po ay raw video, walang edit at wala pong ehancement na nailagay.

 
 
 

Recent Posts

See All
Kapag Umibig

Magandang araw at magandang buhay! kamusta na? sa lahat ng nagbabasa, sana palagi kang nasa mabuti. Heto na naman muli ako para maglabas...

 
 
 
Malayo pa, pero Malayo na

Magandang gabi at magandang buhay. Kamusta na ang buhay? May buhay pa ba ang buhay o yung buhay na mayroon ay buhay nga lang at wala ng...

 
 
 

Comments


Post: Blog2_Post

Subscribe Form

Thanks for submitting!

©2021 by musikanirey. Proudly created with Wix.com

bottom of page