ILANG ARAW KO NG DINI'DENY... TUMAMA DIN
- Rey Jr. F. Rustia
- Nov 28, 2021
- 1 min read

Heto na naman tayo. Tayo na namang dalawa ang magkasama. Pagkatapos ng mga buwan at araw, di ko akalain na magsusulat muli akong kasama ka.
Ano nga bang nangyari? Buddy, tinamaan na naman tayo ng hagupit ng pag-ibig. Kamalasan ba? mukha namang hindi. Tadahana ba? hindi ko alam.
Ilang lingo ko ng itinatanggi na di ako nasasaktan. Pinipilit ko naman at kinakaya pero darating din pala na tatamaan at hindi mo maiiwasan na malungkot at madama ang sakit. Napaka lungkot talaga, kahit na sobrang dami kong ginagawa, kahit na pinapagod ko ang aking katawan sa iba't ibang gawain, kahit na pilit kong inililihis ang atensyon ko para di masaktan. Ngunit di parin pala papapigil ang damdamin. Mangingibabaw parin at wala akong magagawa kundi damhin ito.
Bakit ka ba Nasasaktan?
Nagmamahal kasi ako...alam kong sobra ko siyang minamahal kaya ako ngayoy sobra ring nasasaktan. At sobrang sakit lang. Buong akala ko nga puro masasayang pinagdaraanan ang isusulat ko dito. Nagkamali ako. Mayroon pa palang ganitong mga karanasan.
Gusto kong ibahagi na ngayon sa puntong ito ako ay labis na nasasaktan. At lahat ng sakit na nararamdaman na ito ay dulot ng aking labis na pagmamahal. Di ko alam kung ilang araw, linggo, buwan o taon ang kailangang bunuin ng lungkot na ito bago makalimut. Damhin ko na lang muna. Alam kong tayo tayo lang ang makakabasa nito. Salamat sa pakikibahagi sa aking nararamdaman.
Comments