M U S I K A
- Rey Jr. F. Rustia
- Sep 6, 2021
- 1 min read

Hindi naman natin maipagkakait ang kagandahan ng musika sa ating buhay. Madalas ay napapangkinggan dito ang interpretasyon ng ating damdamin sa iba't ibang bugso ng tugtugin. Mayroong pang hugot, pang positibo, pang sayaw, pang biritan na ayon at tugma sa kalagayan ng ating nararamdaman.
At katulad ng musika na tugma sa ating emosyon na nabibigay lasa at kulay sa ating buhay, tayo ay pinapaalalahanan upang maging musika para sa iba. Nawa sa mabubuti at simpleng paraan katulad ng atake ng musika sa atin ay makapag abot tayo ng kulay sa buhay ng iba lalong higit sa myembro ng ating pamilya at ang mga mahal natin sa buhay. Ang simpleng ngiti ay nagkakapag bigay ng buhay, ang simpleng pagtapik sa balikat, ang pangangamusta at mensahe ay simbolo ng magandang musika ng damdamin na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa natin.
Hindi na lang gulay ngayon ang naglalagay ng kulay, kundi ang bawat musika na imahe ng damdamin ay ang mga bagong kulay sa buhay natin. Maging musika tayo para sa iba.
Magandang Umaga <3
Comments