Mas marami pa SANA akong nagawa
- Rey Jr. F. Rustia
- Jan 4, 2022
- 4 min read
(welcome sa aking mga bagong sana)

Welcome 2022. Hahaha January 4 na at tama ang mga post sa social media na wag mong hintayin ang bagong taon para gumawa ng mga pagbabago sa buhay mo. hayyyss. sapul ngani.
Totoong mas marami pa sana akong nagawa. Totoo yung title, at totoo rin yung sana. Pero walang totoo dun dahil yun ay puro sana. Hindi nangyari, hindi natupad, kaya pinanghinayahangan. Ngunit e breakdown natin, bakit nga ba hindi ito natupad, at bakit yung sana ay nanatiling aking mga sana.
Unang una (1) Hindi, makapag focus.
Yan na. habang naghuhugas ako ng plato kanina at pinapakinggan ang latest vlog ni Peter Mcknon sa youtube. Tumatakbo sa aking isip yung tambak ko pang mga gawain. isa-isahin ko ah para ma refresh din sa utak ko, (3 research wala pang nasisimulan, 14 journals wala pa ring nagagawa, outputs sa mga actvities, kasama na ang mga gawain bilang scholar at yung mga di ko pa naipapasa) teka, bukod dun ay may nasa isip pa ako yung (nakasama sana sa climb, nasa itaas na sana ako ng bundok, hindi ako nakapag walis dahil tinanghali ng gising, madami ng tubal na damit at yung order ko sa shoopee na di pa dumadating) nagahugas ako ng plato habang masakit ang ulo ko dahil nag-inum kagabi, naka isang bote rin ng rum at whiskey.. shhhhh sarap pero may tama pa sa hangover.
Hanggang sa mabasag ko yung isang baso (sorry padre) at bahagyang nagising ang aking gunita.
Napa-isip akong magsulat ng blog ngayon dahil siguro gusto kong bawasan ang mga tumatakbo sa aking utak. At panibagong mga task na uli, 30 mins akong naghanap ng picture na babagay sa aking naiisip, plus, 3 mins para sa akmang title. uhhg diba ga. ang dami na uling nasayang na oras.
Kapatid, di ko alam kung alam mo na ito, o wala naman akong paki kung alam mo na o hindi ngunit baka ganito ka rin sa akin na sa daming gustong gawin ay hindi na makapag focus at nasasayang yung oras at enerhiya para sa mga bagay na wala namang napupuntahan. Bakit? kasi di tayo makapag focus... kesa sa trabahuhin natin ang ating mga responsibilidad na nasa schedule ay mas pinipili nating gumawa pa ng ibang mga bagay para sa pansamantalang kasiyahan ng isip.
Katulad ko, nagawa ko na sana yung journal pero mas pinili kong mag-inum kagabi. Nasimulan ko na sana yung ibang mga research at activities pero mas pinili kong mag ML at maging batugan. Pero kung iisipin natin ee kaya naman e pero bakit hindi nagawa? papaano nga magagawa ay ang daming gustong pakialaman, ang daming gustong gawin hanggang sa wala ng nagawa dahil naubos na ang lakas at oras na para sana sa mas importanteng mga bagay.
Kaya't totoo yung sinabi ni Mark Mason sa kanyang libro na Subtle Art of not giving a fuck. Kasi we give too many fuck about everything. We give a fuck to our appearance, relationship, anime, mobile legends, pornhub, chismis, facebook, IG, shoppe, yung youtube, gitara, hanggang sa ang lamig ng tubig ngayon, itong blog. At dahil dun, wala na tayong nagawa. Naubus na ang ating mga oras sa mga bagay bagay na pinipili nating bigyan ng atensyon para sa pansamantalang kasiyahan. At unti unti nating dinadaya ang ating sarili para sa mga ito. at ang tanong, naging Worth it ba?
Padalawa (2) Nasanay na tayo sa ganito.
Hahaha.. Wag ako, alam kong sanay na tayo sa last minute bago gawin ang ating dapat ay matagal ng tapos. e ganito halos lahat ata ng buhay ngayon. Saka lang gagawin kapag nandyan na ang deadline, saka na lang iintindihin kapag hinahanap na, at saka nalang magkukusa kapag may nakatingin na. At nasobrahan tayo sa ating paniniwala na may panahon pa, yung mga salita bagang.. may bukas pa naman, o kaya ay mamayang gabi nalang o malayo pa naman, saka nalang kapag nandyan na. Kaya't sa huli ay di tayo magkanda-ugaga dahil sabay sabay na. May gawain sa ganito, pasahan na di pa tapus ito, at anong ating naibibigay na effort? Kaunti nalang.. may boud pa ba ng pagkatao natin na nailagay natin sa ating mga ginawa? Wala na.. dahil kahit tayo ang gumawa ay hindi na yun produkto ng ating tunay na mga kayang gawin dahil paspas at kung ano na lang ang ating mga ilalagay. Dahil baga naniniwala ako na mas maganda pa ang ating mga nagawa na kung ito ay napaglaanan natin ng oras, lakas at atensyon.
Sobra tayong nasanay sa ganito. Kahit alam natin na mali, alam natin na hindi tama, pero ating pinagpapatuloy dahil bukod sa nakasanayan na ay naging ugali na natin. Katulad nga nung sinabi ko sa paunang mga talata ay nag-hihintay nalang tayo ng panibagong taon para baguhin tayo nito ngunit alam naman natin na walang pagbabago dahil hindi naman dadating ang araw, buwan o maging ang oras kung hindi tayo mismo ang maglalagay ng pagbabago para sa atin.
Ayan masyado na akong nakapag focus sa pagsusulat at ikaw, kung nagbabasa ka pa hanggang ngayon ay nasasayang ang oras mo para sa ganitong mga bagay. Ang mahalaga sa akin ay nabawas bawasan ang mga iniisip ko ngayong araw at bonus na lang kung may natutunan ka hahaha bahala ka... hindi ko sasabihin na mag-intindi kana pero tanungin mo ang sarili mo kung worth it ba? o nasasayang ang oras at lakas mo katulad ng pagbabasa mo ngayon.
Panalangin at Pagpapala para sayo at ganun din sana ang panalingin mo para sa akin. Maraming salamat.
留言