N G I T I
- Rey Jr. F. Rustia
- Sep 3, 2021
- 1 min read

Hindi ba, mas masarap makita ang mga positibong bagay. Sa simpleng paliwanag ay sapagkat lahat ng ating natutunghayan ay pumapasok at nababasa ng ating utak at sa pamamagitan nito ay mas nagiging malinaw sa atin ang interpretasyon ng ating mga nakikita. Kung kaya't ang simpleng ngiti ay kasarap pagmasdan. Kung kaya't ang simpleng ngiti ay nakakahawa, o madalas nakakapag buo ng isang magandang simula sa buong araw. Sapagkat lahat ng ating nakikita ay pumapasok sa ating isip upang i'proseso at lumalabas sa itsura ng ating mukha ang interpretasyon ng nakitang bagay.
Kung kaya't biyaya ang ngiti. Sapagkat bukod sa panlabas na kaanyuan ng isang ngiti, ito ay nagiging orihinal at totoo at nakikita ang panloob na kalagayan ng ating pagkatao. At kung biyaya ang ngiti ito ay biyayang pinararami at ibinabahagi.
Magandang Umaga! Wag mong kalimutang maglagay ng simpleng ngiti sa labi bago magsimula ng panibagong araw. <3
Comentarios