top of page
Search

P I N T O

bubuksan mo ba? o sasaraduhan?


Isang magandang bungad ng umaga po para sa lahat ng nagbabasa. Good Morning po at welcome sa panibagong blog. Enjoy po tayo. Lahat ng pagbabago ay mayroong epekto sa atin. Minsan ang mga pagababago na ito'y magaan tanggapin ngunit kung minsan ang mga ito'y napakahirap harapan at nabubuo sa isip na talikuran na lang. Ngunit sa biyaya ng bagong araw na may panibagong pagkakataon, tayo ay inaanyayahan na patuloy na harapin ang mga pagbabago at maniwala sa kakayahang umangkop ng may pag-asang hatid ng biyaya ng buhay. Katulad ng pinto, minsan mas nais nating isara ang buhay sa mga pagbabago. Lalo na yung mga mabibigat na pangyayaring nagdudulot sa ating masaktan at makapanakit. Kung minsan usapin ng uportunidad, paglago, pagtanggap o sa mabuting impresyon ay isinasara natin sa mga di kagandahang yugto ng ating buhay. Ngunit kagaya ng pinto tayo ay inaanyayahan rin na magbukas. Buksan ang sarili para sa panibagong pag-asa. Magbukas sa pagkakaloob, pagtanggap, pagmamahal at pang-unawa. At sa pamamagitan ng biyaya ng kabukasan, hinayaan natin ang ating sariling lumago, tumanggap ng mga pagkakamali at ang umangkop sa mga pagbabago na nangyayari o nangyari na. God Bless po! Ingat palagi. narito po pala yung lyrics ng kanta. P I N T O


Ipinid ang pinto

At hayaang magsara

Aliw ay huminto

Sa isip nagdurusa


Matang Bitin

Humahabol sa tingin


Handa na ba?

Ang damdamin kong ito sa mga nagbago na

Nasa'n na ba?

Hangad matanaw ko

Ba't pikit aking mata


Bubuksan na ang pinto Titigil sa pag-hinto

 
 
 

Recent Posts

See All
Kapag Umibig

Magandang araw at magandang buhay! kamusta na? sa lahat ng nagbabasa, sana palagi kang nasa mabuti. Heto na naman muli ako para maglabas...

 
 
 
Malayo pa, pero Malayo na

Magandang gabi at magandang buhay. Kamusta na ang buhay? May buhay pa ba ang buhay o yung buhay na mayroon ay buhay nga lang at wala ng...

 
 
 

留言


Post: Blog2_Post

Subscribe Form

Thanks for submitting!

©2021 by musikanirey. Proudly created with Wix.com

bottom of page