TAHANAN
- Rey Jr. F. Rustia
- Sep 2, 2021
- 2 min read

Marahil sa dami nating mga personal na gawain na araw-araw ay binabata at kung minsan ay dala ng sobrang stress sa dami ng isipin o di kaya ay lubog sa problema. Sa bawat sitwasyon na ito sigurado yung pagod ay halos tayo ay pinapasuko na. Yung tipong pagod kana nga at pinipilit mong mamahinga at kahit gusto mo lang pumikit upang tumigil na muna panandali ang problema at yung pagod sa katawan pati sa damdamin ay kasama na at kung minsan hindi kayang tagtagin ng tulog at pahinga dahil parang sagad sa buto yung tusok ng pagod na dinadala.
Iyang mga nasa itaas ay ilan sa halimbawa ng pagkapagod. At ano ba ang nais ipahiwatig ng tahanan sa mga pagkapagod na ito. Kung maalala natin simula noong bata tayo pagkatapos mapagod sa paglalaro, sa paglilikot o maging sa pag-langoy sa ilog, ang ginda ay ang umuwe sa bahay upang kumain ng bahaw at sabawan ng kape. At kahit noong tayo ay pumapasok na sa paaraalan, matapos ang maghapon sa school at paglalaro ng text o ang dagitan ng bunga ng santol na pinapaggulong sa magalbok na daan ay ang hantungan ay ang tahanan. At sa tahanan tayo nakakapag-pahinga, sa tahanan na kung saan ay kumportable tayo, doon tayo mas nakakapag-isip, nakakatulog at nakakapag-ipon ng panibagong lakas. Katulad ng mga simple at masasayang karanasan na ito baka ito rin ang sagot sa pagkapagod na dala natin. Baka siguro kailangan muna natin na umuwi. At hindi lang naman isang lugar ang tahanan, minsan ito ay yung mga mahahalagang tao para sa atin, pamilya, kaibigan at iba pang mahal sa buhay at maaring ring mga simpleng gawi na nagpaparamdam sa atin ng isang tahanan. Baka ang sagot upang maghilom ang pagkapagod ay ang umuwi sa tahanan.
Wag mong kakalimutan na palagi kang may uuwian, at kung minsan bukod sa pamilya masarap din na umuwi sa Diyos. Kapag palagi kang pagod, di makatulog at walang kapahingahan ang puso upang umibig at utak upang mag-isip, siguro ang sagot ay ang pag-uwi.
Ang kapahingahan ay sa tahanan matatagpuan. <3
Comments