WonderMom Yarn!!! <3
- Rey Jr. F. Rustia
- May 9, 2021
- 1 min read

Pagbati muli ng isang magandang umaga para sa lahat ng mga Ina. <3 <3 <3
Ano ba sayo ang pagmamahal?
Itinalaga ngayong araw, na sa loob ng mahigit tatlong daan at limampung araw sa isang taon ay may isang araw ng pagpapadama nang pagpapahalaga sa mga Ina. At ako bilang anak na nililiwanagan ng ilaw ng tahanan ay magbabahagi ng ibang klase ng nararanasang pag-ibig mula sa aking Nanay.
Ang aking Ina ay nagtataglay ng ibang klase ng pag-ibig. Ang pag-ibig na maunawain, matiisin, makulay at hindi nagbabago. Kung kaya't ito ay nararamdaman ng bawat isa sa amin, sa kanyang mga anak at maging sa buong pamilya. Hindi ko alam kung sinasadyan ng aking Ina na mahalin kami ng ganito ngunit ito'y kusa naming nararamdaman.
Maaring sa ibang buhay na hindi mo ako maging anak, ikaw parin ang palagi kong pipiliing maging ina. Tayo man sa salapi ay kulang pa sa sapat ngunit yung pagsisikap at pagtaguyod mo sa ating pamilya ay labis labis pa sa dapat. Ngayong di man tayo palaging magkasama sana'y abot parin dyan sa atin ang aking pagmamahal sayo. Dahil kahit kailanman di ko malilimutan ang mga araw na sobra sobra mo ako minahal.
Pagbati ng isang mapagmahal na araw sayo aking Ina! Mahal na mahal kita.
Comments